ALS A&E Updates 2014-2015

What is ALS ?

Alternative Learning System in the philippines, abbreviated as ALS is a program by the Department of Education for Out of School youths, adults who didn’t gave a chance to study, people with disabilities, former prisoners, rebels and anyone who didn’t finish their elementary and high school because of some reason.

This program was launched in 1984 under the name Non-Formal education and was focused on helping its students acquire skills that can they use to have a job or to have an own business.

The name of this program was changed into Alternative Learning System in 2004 in Arroyo regime and the president promoted this program to give a chance to all people to get a diploma that they needed to find a job.

I am interested in ALS and i want to enroll, who is the one that i need to ask and where i can find them?

Kung ikaw ay interesado na mag enroll sa Alternative Learning System, eto ang mga dapat mong gawin

  • Pumunta sa pinakamalapit na Elementary o High School sa inyong lugar.
  • Magtanong kung ang eskwelahan ba nila’y may programang “Alternative Learning System”.
  • Kung meron silang programang ganoon sa iyong tinanungan na eskwelahan, itanong mo sa kanila kung sino ang inatasan ng DepED upang mamahala ng ALS sa kanilang eskwelehan.
  • Kung wala naman silang programang ALS sa iyong tinanungan na eskwelahan ay itanong na lamang sa mga guro doon kung saang School merong programang ALS.
  • Magpalista sa ALS representative ng Eskwelahang binigyan ng permiso ng DepED na gawin ang programang ito.
  • Sabihin kung ang naabot mo ba ay High School o Elementary lamang. Magkaiba ang klase ng High School at Elementary sa ALS at iba ang pagsusulit na kukunin niyo.
  • Pagkatapos magpalista ay kailangan niyong ipakita ang inyong “Birth Certificate” o iba pang papeles na makapagpapatunay sa inyong pagkatao.
  • Ang ALS representative ay bibigyan kayo ng isang madaling pagsusulit at kunting interview kung kayo ba talaga’y handa ng pumasok sa ALS
  • Kapag kayo ay nagpalista na at nakapasa ka na sa pagsusulit ay pwede ka ng pumasok sa klase. Kadalasan na ang klase mo ay tatlong beses lang sa isang linggo at minsan ay pwede kang makiusap na lumiban sa klase kung ikaw ang nagtratrabaho.

Ano ang mga tatalakayin sa aming klase at ano ang mga mangyayari bago kami kumuha ng “ALS A&E Test?

  • Sa inyong klase ay tatalakayin ang mga bagay na hindi niyo natutunan tungkol sa Science, Math, English. Wag kang mag alala dahil madali lang naman ang mga tatalakayin niyo ngunit habang patagal ng patagal ay pahirap din ng pahirap ito. Linggo linggo ay papagawin kayo ng Essay tungkol sa mga napag aralan niyo noong linggong yun. Meron ding mga “Livelihood Programs” na inyong gagawin.
  • Matapos ng ilang buwang pag aaral ay magpaparehistro na kayo para sa “Final Exam o ALS A&E test” na gaganapin sa isang malaking eskwelahan na inatasan ng DepED.
  • Ang ALS A&E ay ang pagsusulit kung saan masusubukan kung kayo ba talaga’y karapat dapat na bigyan ng Elementary o High School Diploma. Itong pagsusulit na ito ang pinakapinaghahandaan ng lahat ng Estudyante ng ALS.
  • Ang nilalaman kadalasan ng ALS A&E Exam ay 200-250 multiple choices tungkol sa Science, English at Math at meron din kayong isusulat sa wikang Filipino na “Essay” na kailangan niyong magawa sa loob lamang ng 30 minutes. Ang kalahatang oras na ibibigay sa inyo ay 3 – 4 na oras depende sa inyong pagsusulit. Gawin ang lahat ng makakaya mo para makapasa.
  • Maghintay kung kailan lalabas ang resulta ng EXAM. Kadalasan ay inaabot ng apat na buwan o limang buwan bago matapos lahat ng pagsusulit. Ang resulta ng ALS A&E ay lalabas sa website ng http://www.deped.gov.ph/

Mga Tips:

  • May mga eskwelahan na nagpapangap na sila ay may programang ALS at sisingilin kayo kada linggo. Walang kahit anong sisingilin sa inyo sa ALS at kung may sumisingil sa inyo ay isumbong kagad sa Department of Education. Lahat ng mga pumapasok sa eskwelahan na hindi binigyang basbas ng DepED na tumangap ng ALS enrolees ay hindi makakakuha ng ALS A&E test
  • Magtanong sa inyong ALS teacher sa mga bagay na hindi niyo alam. Wag kayong matakot na magtanong dahil nakasalalay sa kanila ang diploma niyo
  • Kung kayo ay may trabaho ay pwede kayong magpaalam sa ALS representative at payagan kayong lumiban sa klase.
  • Napakadami mong makikilalang iba’t ibang klaseng tao habang ikaw ay nagaaral sa ALS. Lahat kayo ay may mga mapapait na ala ala dahil kayo’y di nakapag aral pero ngayon ay sama sama kayong itatama ang inyong pagkakamali kaya mahalin mo ang iyong mga kaklase pati na rin ang inyong ALS teacher.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *