Onanay star Kate Valdez clarifies IG post about Davao

Nilinaw ng Kapuso young actress na si Kate Valdez ang konteksto ng caption sa larawan niyang kuha sa Davao International Airport.

Caption ng Onanay actress sa kanyang Instagram Story post kahapon, August 19: “Gusto ko ng umuwi natatakot na ako.”

Nakatanggap ng pambabatikos si Kate mula sa ilang netizens, na naging negatibo ang tingin sa caption ng kanyang IG Story

May ilang nag-screenshot ng post ni Kate at sinabihan ito na ano ang ikinakatakot niya samantalang safe naman daw sa Davao.

asa Davao si Kate at iba pang Kapuso stars dahil sa Kadayawan Festival na ginanap noong August 18.

Hindi naging malinaw sa caption ng IG story ni Kate na ang pinanggagalingan ng takot niya ay ang delayed flights dahil sa pagsasara ng NAIA runway sanhi ng sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines.

Nag-alala raw ang dalaga na hindi siya makabalik agad ng Manila dahil marami pang events at kailangan niyang gawin, lalo na sa kanyang debut party na gaganapin bukas, August 21.

Para malinawan na ang isyu, nag-post sa kanyang Instagram account si Kate ngayong Lunes, August 20.

Dito ay ipinaliwanag niya ang pinanggalingan ng kanyang post kasabay ng paghingi ng paumanhin sa mga na-offend, partikular na ang mga taga-Davao.

Buong mensahe ni Kate: “I would like to extend my sincerest apology to those whom I’ve offended with my post yesterday.

“I am just a bit frightened that I could not reach Manila on time, I have several duties and personal commitments to fulfill.

“It is not aimed to put malice or maligned any reputation.

“Thank you so much for those who patiently waited and joined with us in our Mall Tour in Gaisano, we had so much fun!!

“Maraming salamat mga Kapuso!!”

 

All Post

About pinoytrending

Pinoy Trending is created by our team to deliver the freshest news on the internet. Everyday, we are trying to improve our site to give more pleasant reading experience to our subscribers. Copyright © 2014. pinoytrendingnews.com - All Rights Reserved

Previous Entries Miriam Quiambao, 43, is pregnant Next Entries Alex Castro and Sunshine Garcia are having a baby boy